Tuesday, 9 February 2010

Para kay Roniel at Irving.

This item was posted on pic-link December 1, 2003.
It was one of their hardest times.
Fast-forward to 2010...my friends had finally separated after seven long years of being together.

Another friend commented on the breakup..."it was sad...makes one think that nothing would last forever."

Below is my post for them in Filipino.

-----------

Para kay Roniel at Irving.

Karamihan na nating naririnig na ang pagmamahal magkaminsan ay naglalaho o nagbabago. Hindi daw natin mapipigil ang pagbabago dahil ito lamang daw ang permanente sa mundo.


Napakadaling sabihin na kapag natapos na ang isa, dapat ay tumuloy pa rin ang lahat. Mahirap talagang gawin ang mabuhay nang wala na sa tabi mo ang taong kasama mo araw-araw, magmula sa pagdilat ng iyong dalawang mata kahit may panis na laway ka pa...hanggang sa pag pikit ng mga ito kapag sobrang pagod ka na.


Pero ang katotohan ay katotohanan. Hindi natin pwedeng gawing puti ang itim. Gaano man natin ipilit. Gaano man kasakit ang tanggapin.


Sa isang taon at pitong buwan na magkasama ang mga kaibigan ko, nakita ko na totoong nagmamahalan sila. Walang put-on. Walang pretension. Hindi man kasing sweet ng karamihan sa nakita ko. Hindi pa rin ipagkakaila na totoo sila sa isa't isa. Pero silang dalawa man ay kasama sa takbo ng buhay.


At dahil mayroon silang simula, natural lamang na mayroon din wakas. Ilang linggo na silang hiwalay. Pinipilit makabangon ulit sa kabila ng mga pait at lumbay, pinipilit maging normal nang magkahiwalay.


Masakit isiping natapos na ang lahat. Pero ganun daw talaga. Patuloy pa rin sa pag ikot ang lahat.


Para kay Roniel, ibayong tatag dahil alam kong makirot pa rin ang lahat dahil buong buo ang sarili mo nang ibigay mo sa kanya. Para kay Irving, alam ko'ng masakit din sa iyo ang lahat, pero kaibigan mo pa rin kami at kahit anuman ang nangyari, mananatiling ganun ang lahat.


Para sa inyong dalawa, alam kong malalampasan ninyo ang lahat ng sakit na ito. Lahat tayo ay dumaraan sa ganitong sitwasyon. May nauuna at mahuhuli. Pinaka importante ang leksyon na natutunan mo. Masarap ang magmahal pero masakit din ito kung minsan. Pero sa tuwina ay dapat na isipin na ito pa rin ang pinakamasarap sa lahat ng bagay sa mundong ito.